Para sa mga Denial

Yun oh! Dahil binabasa mo ito, para sa iyo nga ‘to. Aminado ka na in-denial ka. At kung balak mong itigil ang pagbabasa, ay naku… certified in-denial ka talaga. So wala kang kawala, pagtiyagaan mo mo na ito kesa naman pati sa sarili mo dine-deny mong in-denial ka nga. For once, manindigan ka naman. Don’t worry hindi ka naman aawayin ng post na ito, may gusto lang akong i-share. So let’s get started, para mas magkaaminan na.

  • Ano nga ba ang dahilan ng masyado mong pagpapatay-malisya nang minsan kang tanungin ng nanay mo kung may boyfriend ka na?
  • O nang tanungin ka ng mga ka-barkada mo kung nagka-girlfriend ka na, sinabi mo bang hindi pa kasi lagi kang basted o sinabi mong oo at hindi na mabilang?
  • Minsang pinakilala ka ng kaibigan mo sa chix niyang schoolmate dati, ayun! biglang single ka, dineny na si girlfriend.
  • Eh nung bigla kang tinanong ng kaibigan mo tungkol sa ex mo, ang sabi mo lang, “wag na nating pag-usapan ‘yun, Past is past,” pero deep inside gusto mo ng i-share sa kanya na nami-miss mo na din yun.
  • Bakit nga ba hindi mo makuhang aminin sa mga kaibigan mo na hindi ka naman talaga okay kasi nga may problema at pinagdadaanan ka?
  • Eh kailan ka nga ba naman umamin sa sarili mo na hindi mo naiitindihan ang ibang pangyayari sa buhay mo dahil pilit mong isinasawalang-bahala ang mga problemang dumadating sa’yo?
  • Nasaan na yung magaling-magadvice-side mo nang ikaw na yung nakakaranas ng problema ng mga pinapayuhan mo?
  • Totoo pa ba yung ngiti mo pag kasama mo ang tropa? O kung totoo man, tatagal naman kaya yang saya na yan kung patuloy mong itatago ang lungkot sa loob mo?
  • Nahuli ka ng nage-emo, ayaw pang umamin nang may makausap ka naman.
  • Bakit ba kasi ang taas ng pride mo, eh hindi mo naman kaya mag-isa?
  • Kung yung mga pulubi nga, nanlilimos ng atensyon sa ibang tao, ikaw na buo ang pamilya at maraming kaibigan, hindi mo pinapansin kasi gusto mo pang patunayan sa sarili mo na kaya mo kahit ikaw lang.
  • At ang pinakamasaklap sa lahat, naturingan kang Kristiyano pero kung mamuhay ka, parang walang kinatatakutan na Diyos, yung tipong ikaw lang ang nakaka-alam na maka-Diyos ka pala.
  • Baka kaka-deny mo, pati si Lord i-deny ka na rin pag dumating yung panahon na ma-meet mo Siya sa kabilang buhay. (c) Mateo 10:32-33

Ilan lamang ito sa mga sitwasyon na nagde-deny tayo, maraming beses na natin iyong nagawa. Hindi nga lang kapansin-pansin ang iba dahil hindi naman iyon ganun ka-big deal. Pero ano pa man yun, ang pagde-deny ay isang uri ng pagsi-sinungaling. At alam naman nating masama ang magsinungaling kahit na may dahilan ka pa kung bakit mo iyon nagagawa. Tandaan natin na mahirap man sabihin, magaan naman sa pakiramdam pag naging honest ka sa sarili mo at sa mga taong nakapaligid sayo. Hindi magiging kumplikado ang buhay kung marunong kang maging totoo sa una pa lang. Kaya huwag na nating hayaang tumagal pa ang isang sitwasyon sa pagsisinungaling dahil walang katotohanan ang hindi nabubunyag. Sabi nga sa Juan 8:32, “…ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”

Alalahanin din nating hindi natutuwa ang Diyos sa sinungaling:

❝Namumuhi si Yahweh sa taong sinungaling,

Ngunit ang tapat ay ligaya Niya at aliw.❞

– Kawikaan 12:22

 
 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s