Puso Kong Tibok ng Tibok

Kay ganda ng araw pagmulat ng aking mga mata,

Panibagong buhay ang ipinagkaloob sa akin ng Maykapal.

Ngunit kasabay ng pasasalamat may kabang nadarama,

Hindi mapakali ang aking puso’t isipan.

Mula umaga hanggang ngayong dilim na ang bumabalot sa kalangitan,

Patuloy pa din ang puso kong tibok ng tibok.

Napakarami ng ginawa upang malibang,

Wala pa ring pagbabago sa mabilis na kabog sa dibdib.

Idinadalangin sa Taas na mapayapa ang pakiramdam,

At ako’y magtitiwala sa Kanyang pagkilos.

.

 
 
 

Advertisements

Kasukat ng Iyong Puso

Masarap mamuhay sa mundong nakukuha mo ang lahat ng iyong gusto.  Ngunit hindi nito napupunan ang mga kakulangan sa buhay natin.  Maaaring marami ka ng sinubukan para sa iyong kasiyahan, at ito’y naging panandalian lamang.  Hindi pera o sariling kakayahan ang makakapuno sa hinihinging atensyon ng ating puso.  At kailanman hindi magtutugma ang sukat ng parihabang pera sa sukat ng puso natin.  Anuman ang isiksik mo sa bagay na hindi kasukat ay masasayang lamang.

Photo Credit: aaron.com

Photo Credit: aaron.com

Kaya’t huwag na tayong maghanap pa sapagkat Siya na ang nakahanap sa atin upang punan ang puso nating nagkukulang.  Tanging ang Diyos lamang ang makakaunawa at makakaayos sa puso nating nasira na ng bawat nagdaang pagsubok.

 
 


//